-- Advertisements --

Nagtapos na ang pagiging coach ni retired tennis star Andy Murray kay Serbian tennis star Novak Djokovic.

Sa social media account ni Djokovic ay pinasalamatan niya ang beteranong tennis star.

Naging masaya ang anim na buwan na coaching ni Murray sa kaniya kahit na hindi ito nakakapaglaro ng diretso dahil sa injury.

Dagdag pa ni Djokovic na labis itong nag-enjoy sa pagiging malapit niya sa nasabing retired tennis star.

Magugunitang noong Abril ay umatras ang 37-anyos na si Djokovic sa Italian Open dahil sa injury at tinanggap naman nito ang wildcard sa Geneva Open na magsisimula sa Mayo 18.