-- Advertisements --

NAGA CITY- Nakipag-ugnayan na ang Food and Drugs Administration (FDA) sa local na gobyeno ng Candelaria,Quezon hinggil sa nangyayaring paglobo ng mga nabibiktima ng lambanog sa lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PLtCol. Jezreel Calderon, hepe ng Candelaria PNP, sinabi nito na nagpaalala ang FDA sa mga nagpaplanong magtinda ng lambanog na itigil muna ang pagtitnda nito, hanggang sa hindi pa natatapos ang gingawang pagsusuri ng ahenysa sa mga sample ng lambanog na ininom ng mga biktima.

Sa ngayon hinihintay na lamang aniya ang resulta ng unang ekasaminasyon sa nasabing inumin.

Kung maaalala una nang inutusan ng alkalde ng nasabing municipalidad na pansamantala munang itigil ang pagtitinda ng mga lambanog sa nasabing lugar dahil sa magkakasunod na insidente ng pagkahilo sa lugar.

Sa ngayon may tatlo katao na ang namatay sa lugar na pinaniniwalaang resulta ng pag-inom ng mga ito ng lambanog.