-- Advertisements --

ILOILO CITY – Mahigpit ngayon ang ginagawang pagbabantay ng Federal Bureau of Investigation at Department of Homeland Security sa US elections.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Bombo International Correspondent Melanie Simmons, frontliner sa Springfield, Massachusetts,, sinabi nito na
nakatanggap ng impormasyon ang otoridad na target ng Russian at Iranian hackers ang network ng state at local government units sa Estados Unidos.

Ayon kay Simmons, plano ng mga hackers na nakawin ang data sa mga servers at pakialaman ang resulta ng halalan.

Maliban dito, mahigpit rin na binabantayan ang vote buying at ballot box snatching kung saan ang mahuhuli at makukulong.