Mistulang nabuhayan ng loob ang mga kagawad ng AFP NCR checkpoints sa donasyong mga face masks ni Sen. Manny Pacquiao.

Ayon kay Brig Gen Alex Luna, ang commander ng AFP Joint Task Force-NCR, dati raw ay hanggang apat na araw na lamang ang itatagal ng kanilang supply pero ngayon kahit pa raw dalawang linggo ay pupuwede na.

Una nang nagbigay kahapon ng 50,000 face masks si Pacquiao sa AFP at sa iba pang ahensiya ng pamahalaan na front liners sa laban kontra coronavirus.