-- Advertisements --

Nagbabala ang Pagasa sa posibilidad na maulit pa ang mga pagbahang naranasan sa Metro Manila at mga karatig na lugar.

Ito’y makaraang lumakas pa ang paghatak ng bagyong Fabian sa umiiral na hanging habagat.

Huling namataan ang sentro ng sama ng panahon sa layong 670 km sa hilagang silangan ng extreme Northern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 150 kph at may pagbugsong 185 kph.

Kumikilos ang bagyo nang pakanluran sa bilis na 10 kph.