Nakalabas na ang bagyong si Crising sa Philippine Area of Responsibility kaninang umaga habang lumakas naman ito para maabot ang Severe Tropical Storm category.
Sa kabila ng paglabas ng bagyo sa teritoryo ng bansa, patuloy na mararanasan ang mabibigat na pag-ulan at malakas na hangin sa mga lugar sa Northern at Extreme Northern Luzon dahil sa lawak ng sirkulasyon ng bagyo.
Patuloy namang makakaapekto ang mga pag-ulang dala ng Southwest Monsoon o habagat sa malaking bahagi ng bansa.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa 235 km West ng Itbayat, Batanes sa labas ng PAR
Ito ay may lakas ng hangin na umaabot sa 100 km/h malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 125 km/h.
Kumikilos ang bagyo pa Westward na direksyon sa bilis na 15km/h.
Nasa ilalim naman ng TCWS NO.2 ang Batanes, western portion ng Babuyan Islands, at Ilocos Norte .
Nakabandera naman ang TCWS NO. 1 sa nalalabing bahagi ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, northern portion ng La Union , Abra, Apayao, Kalinga, nalalabing bahagi ng Cagayan.
Asahan ngayong araw hanggang bukas mabibigat na pag-ulan sa bahagi ng Apayao, Abra, Ilocos Norte, at Ilocos Sur dahil sa bagyong Crising.
Maulang panahon rin ang aasahang ngayong araw hanggang bukas dito sa Metro Manila, Pangasinan, Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Palawan, Romblon, Occidental Mindoro, at Antique dahil sa habagat na pinalalakas ng bagyo.
Sa ngayon ay wala pang panibagong sama ng panahon na nabuo sa labas at loob ng PAR.