Palaisipan pa rin ng Japanese defense officials ang pagkawala ng kanilang F-35 stealth fighter jet.

F35 Stealth Fighter

Ayon sa Defense Ministry ng Japan, ang single-engine jet mulas a Air-Self-Defense ay nasa training flight kasama ang tatlong iba pa ng ito ay nawalan ng komunikasyon.

Nakabase ang mga eroplano sa Misawa Air Base sa Honshu Island at ng ito ay nasa karagatan ng Aomori prefecture ay nawalan na ito ng kontact.

Walang anumang nakitang problema sa itinuturing na most-advance warplanes sa buong mundo.

Nagpapatuloy pa rin ang ginagawang paghahanap ng mga otoridad sa nawawalang eroplano.

-- Advertisement --