Isang F-35 fighter jet ng US Navy ang bumagsak sa central California noong Miyerkules (araw sa Amerika) ng gabi, ayon sa pahayag ng Navy.
Naganap ang insidente bandang 6:30 ng gabi malapit sa Naval Air Station (NAS) Lemoore, humigit-kumulang 40 milya sa timog-kanluran ng Fresno.
Napaulat na sinubukan umano ng eroplano na mag-emergency landing bago ito tuluyang lamunin ng apoy.
Agad namang rumesponde sa lugar ang mga pulis, bumbero, at rescue teams.
Samantala nakaligtas naman ang piloto matapos makapag-eject bago bumagsak ang jet. Dinala siya sa ospital at nagtamo lamang ng minor injuries.
Ayon sa mga opisyal ng NAS Lemoore, walang iba pang naapektuhan sa insidente.
‘The pilot successfully ejected and is safe. There are no additional affected personnel,’ pahayag ng NAS Lemoore.
Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon tungkol sa sanhi ng pagbagsak.