-- Advertisements --

DAVAO CITY – (update 3) – Extended ng hanggang June 13, 2021 ang ipanatupad na lockdown sa Sangguniang Panlungsod Building nitong lungsod ng Dabaw matapus nadagdagan pa ang bilang ng mga kawani ng gobyerno na nag-positibo sa covid 19.

Inihayag ni Dr Michelle Schlosser, focal person ng davao city covid 19 task force, ipinatupad ang extension matapus matanggap ngayong araw lamang ang rekomendasyon mula sa City Health Office dahil sa mataas na bilang ng positive cases ng mga empleyado mula sa ibat-ibang tanggapan ng SP building.

Matatandaan na una nang inina-iallom ang SP Building sa pitong araw na lockdown para sa surveiilance swabbing kung saan 13 ang nagpositibo kung saan karamihan nito ay nagmula sa City Assessor’s Office, City Treasurer’s Office, at City Civil Registrar’s Office.

Apektado ng lockdown ang mga tanggapan ng City Treasurer’s Office, City Assessor’s Office, City Civil Registrar’s Office, Business Bureau, Vice Mayor’s Office, at ang opisina ng mga konsehal ng davao city.