DAVAO CITY – Nailipat na sa mas ligtas na lugar ang mga eksplosibong ‘di sumabog ng Davao City Police Office (DCPO) sa ibang ligtas na lugar.

Ayon kay Police Captain Teresita Plaza Gaspan, isinagawa ang paglipat ng mga bomba sa mas ligtas na lugar upang hindi na maulit ang nangyari nitong Sabado.

-- Advertisement --

Ang malakas na pagsabog ng bomba ang dahilan ng pagkasunog sa ammunition storage na kaagad namang naapula kaya bahagyang pinsala lamang ang iniwan nito sa lugar.