Ipinaliwanag ni Health Sec. Francisco Duque III kung bakit hinintay munang may makumpirmang kaso ng Wuhan coronavirus sa bansa bago magpatupad ng temporary travel ban sa mga Chinese nationals na manggagaling sa Hubei province, China.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Sec. Duque na hinintay muna nito ang expert advise ng World Health Organization (WHO) dahil may tao sila sa Wuhan City kung saan nagsimula ang Novel coronavirus.
Ayon kay Sec. Duque, hayaan na lang ang mga bumabatikos sa kanilang desisyon at ang mahalaga ay pakinggan ang mga payo ng Department of Health (DOH) para makaiwas sa coronavirus.
Iginiit ni Sec. Duque na ang WHO nga ay hindi nagrerekomenda ng travel ban pero kinikilala ang soberenya ng bawat estado para protektahahn ang kanilang mga mamamayan mula sa nasabing sakit.