Inaresto na ng deputy US marshals si dating US President Donald Trump sa 37 kasong kinakaharap nito dahil sa pagtatago ng mga sensitibong dokumento na pag-aari ng gobyerno.
Naganap ang pag-aresto pagdating ng dating pangulo sa federal courthouse sa Miami.
Agad naibook ng deputy marshals si Trump para kuhanan ito ng electronic copies ng kaniyang fingerprints subalit hindi na rin ito kinuhanan ng mugshots.
Kasama ring nasa kustodiya ang kaniyang aide na si Walt Nauta na siyang kasabwat ng dating pangulo sa pagtatago ng mga dokumento.
Nagtalaga ng matinding seguridad ang mga otoridad sa buong Miami dahil sa pagdagsa ng mga supporters ng dating pangulo.
Inaasahan naman na maghahain ng not-guilty plea ang abogado ni Trump at ito ay papayagang pansamantalang makalaya.
Isasagawa din ang pagdinig sa kaso sa sala ni Judge Jonathan Goodman at doon inaasahan a maghahain ang kampo nito ng not-guilty plea.