Kinumpirma ngayon ng kampo ni dating Sen. Bongbong Marcos na nagpositibo ito sa COVID-19.
Ang 62-anyos na dating mambabatas ay may travel history sa Spain na may malaking bilang ng mga nagpositibo sa naturang sakit.
Una nang naging maugong ang pagkakaroon ng sakit ni Marcos, habang may mga nagsasabi pang masama ang kondisyon nito, kaya naglabas mismo ng larawan ang kaniyang pamilya na maayos naman ang kaniyang kondisyon.
Nagkaroon pa ng pagtatalo ukol sa tila magkaibang statement nina Bongbong at misis nito
Samantala, pawang nagpakita naman ng magandang development ang tatlong senador na una nang nagpositibo sa COVID-19.
Batay sa kaniyang social media post, sinabi ni Sen. Sonny Angara na mas maayos na ang kaniyang pakiramdam matapos ang ilang araw na pananatili sa quarantine.
Maging si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ay wala nang gaanong sintomas, kahit nagpositibo rin sa virus.
Habang si Sen. Koko Pimentel ay maayos naman ang pakiramdam, ngunit kailangan pang kompletuhin ang kaniyang quarantine period.