-- Advertisements --
Nananatiling nasa unang puwesto sa pinakamayamang Filipino si dating Senate President Manny Villar.
Base ito sa inilabas na 37th annual ranking Forbes.
Aabot sa kabuuang $8.6 bilyon o nasa P467 bilyon ang kabuuang yaman ni Villar.
Umakyat din sa pang 232 ang puwesto nito sa billionaires list ng Forbs sa buong mundo si Villar.
Pumangalawa naman sa pinakamayamang Filipino sa Pilipinas si ports magnate na si Enrique Razon na mayroong estimate na yaman na $7.3 bilyon o katumbas ng P397 bilyon at pang-312 sa listahan sa buong mundo.
Pumangatlo naman sa puwesto si San Miguel Corp. CEO at president Ramon Ang na siyang pang 852 sa buong mundo na mayroong estimate na yaman na P184-B.
















