Terrence Jones
Terrence Jones/ FB photo

Kinuha ng TNT KaTropa si dating Houston Rockets player Terrence Jones para maging import nila sa nalalapit na PBA Commissioner’s Cup na magsisimula sa Mayo 19.

Ang 27-anyos na si Jones ay siyang first round pick na pang 18th overall noong 2012 ng Rockets.

Naglaro ito sa koponan hanggang 2016 bago lumipat sa New Orleans Pelicans at Milwaukee Bucks.

Native ng Portland at dinala ang koponang Kentucky Wildcats noong 2012 NCAA national championship.

Nakapagtala ito ng kasaysayan sa 2012 NBA draft bilang isa sa anim na Wildcats na nakapasok sa NBA kasama sina Anthony Davis,
Michael Kidd-Gilchrist, Marquis Teague, Doron Lamb at Darius Miller.