Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Abdullah Derupong Mama-o bilang ad interim secretary ng bagong tatag na Department of Migrant Workers.
Pirmado ang appointment paper ni Sec. Mama-o noon pang Biyernes, March 4, 2022.
Ang bagong nabuo na departamento ang siyang mas tututok sa pagprotekta sa karapatan at kapakanan ng ating mga overseas Filipino workers sila man ay land-based o sea-based.
Tutugon din ito sa anumang pangangailangan ng mga OFWs, kahit sinuman sila, maging documented man o hindi.
Samantala, naniniwala naman ang Palasyo sa kakayahan ni Sec. Mama-o na sumabak sa labor and diplomatic negotiations para maipagpatuloy at maitaguyod ang karapatan at kapakanan ng mga OFWs.
“The Palace congratulates Mr. Abdullah Derupong Mama-o on his appointment as Secretary of the Department of Migrant Workers,” ani acting spokesman Martin Andanar. “His experience and qualifications in labor and diplomatic negotiations, among others, as the Presidential Adviser on OFW concerns will be invaluable to his new position and to our migrant workers.”
Si Mama-o ay dati ng Presidential Adviser on Overseas Filipino Workers (OFW) and Muslims Concerns.
Habang noong taong 2018, itinalaga siya ng Pangulong Duterte bilang special envoy to Kuwait.