Binatikos ni Deputy Speaker at dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang mga ulat na nag-uugnay kay First Lady Liza Araneta-Marcos sa umano’y kudeta ng Kamara na idinisenyo laban kay Speaker Martin Romualdez.
Muling itinanggi naman ni Representative Arroyo na siya ang nasa likod sa planong kudeta para patalsikin sa pwesto si House Speaker Martin Romualdez.
“A report is going around that I was ‘duped’ by a congresswoman into thinking that the alleged House coup had the blessings of the First Lady. I am truly sorry that she should even be dragged into this political fantasy of a House coup it is disrespectful to her and to her intelligence,” pahayag ni Rep. Arroyo.
Pinaalalahanan din ni Arroyo ang publiko ng kanyang papel sa paghubog ng UniTeam coalition kung saan nagbigay din siya ng kontribusyon para sa pagsasama-sama ng mga pwersa na naging UniTeam at supermajority ng Kamara.
Giit ni Arroyo na kailanman hindi siya gagawa ng anumang aksyon para sirain ito.
“Whoever is spreading these pathetic rumors are the ones duping the Filipino people, and they should now move on to the serious business of making positive contributions to national progress,” wika ng deputy speaker.
Hindi naman pinangangalan ni Arroyo kung sino ang nasabing congresswoman na kaniyang binanggit sa kaniyang post.
Nilinaw din ng dating Pangulo, na wala siyang kinausap dito man sa bansa o abroad kaugnay sa coup.
“I did not have any conversation, here or abroad, with any congressman or congresswoman, or any other politician active or retired, to plot, support, encourage or participate in any way in any alleged House coup,” wika ni Arroyo.