Kinastigo ni House Deputy Minority leader France Castro ang dating mga opisyal ng Pilipinas para sa umano’y pagpasok sa mga kasunduan sa China na nagkompormiso sa soberaniya ng bansa.
Ayon sa mambabatas dapat na harapin ni dating presidential spokesman Harry Roque na nagsilbing sa ilalim ng Duterte administration ang imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso at ibunyag ang lahat ng mga kasunduan na ipinangako ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa China kaugnay sa isyu sa West Philippine Sea.
Sinabi din ng mambabatas na nakakagalit na mayroong mga dating opisyales ng bansa ang halos ibenta na ang Pilipinas.
Giit pa nito na sobra na ang giagawang harassment ng China kaya nananawagan sila sa liderato ng Kamara na isalang sa pagdinig ang House Resolution No. 1216 para ipatawag si Atty. Harry Roque at kung totoo na ipinagkasunod ng dating Pangulo ang Ayungin shoal at kung ano pa ang ibang kasunduan niya sa China.
Ginawa ng mambabatas ang pahayag matapos na sabihin ni Atty. Roque nitong umaga ng Miyerkules sa isang panayam sa kaniya na nagkaroon daw ng gentleman’s agreement sa China para hindi magpadala ang Pilipinas ng mga construction materials sa BRP Sierra Madre na military outpost ng bansa sa Ayungin shoal na inaangkin ng China para maiwasang tumindi pa ang tensiyon sa lugar basta’t wala aniyang sundalo ng PH ang mamatay.
Una na ngang kinondena ng mambabatas ang China Coast Guard sa muling pambobomba nito ng water cannons sa resupply boat ng PH habang nagsasagawa ng regular rotation and resupply mission sa Ayungin shoal na matinding ikinapinsala nito at ikinasugat ng 3 tauhan ng PH Navy. (With reports from Bombo Everly Rico)