-- Advertisements --

gun3

Pinangunahan ni AFP chief of staff Gen. Cirilito Sobejana ang pagbibigay ng military honor para sa namayapang dating Pangulong Benigno Noynoy Aquino sa Kampo Aguinaldo sa Quezon City.

Binigyan ng militar ng traditional gun salute ang namayapang dating pangulo sa lahat ng mga kampo ng militar sa buong bansa bilang pagpupugay sa dati nilang commander-in-chief.

Ayon kay Sobejana, binigyan nila ng kanilang snappiest salute ang dating pangulo at nangakong ipagpatuloy ang kanilang mandato.

sobejana8

Giit ni Sobejana mananatili sa mga kampo ng militar ang legasiya ng dating pangulo.

Ang eight-gun salute ay simultaneously fired sa Camp Aguinaldo, Quezon City; Fort Andres Bonifacio in Taguig City; Jesus Villamor Air Base in Pasay City; Fort Abad in Manila; Fort Gregorio del Pilar in Baguio City; at sa lahat ng AFP Unified Command Headquarters sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Isang buong araw ang iginawad na military honors ng AFP simula kaninang alas-5:00 ng madaling araw ay binigyan nila ng eight-gun salute, sinundan ito ng gun fire every half-hour simula alas-6:00 kaninang umaga hanggang retreat time alas-5:00 ng hapon, kung saan binigyan muli ng eight-gun salute.

Alas-10:00 ng umaga nang magtipon-tipon ang mga sundalo sa lahat ng mga military camps, stations at bases nationwide para opisyal na basahin ang Notice of Death ng dating pangulo.

Naka-half mast na rin ang bandila ng Pilipinas sa buong kampo ng militar sa buong bansa.

Ayon kay Sobejana kailanman hindi nila makakalimutan si dating Pangulong Aquino na siyang nagsulong para palakasin pa ang defense and security capabilities ng AFP para labanan ang anumang banta.