Personal na tumungo sa PNP Custodial Center sa Camp Crame si dating Pangulong Noynoy Aquino upang bisitahin si Senator Leila de Lima.

Bandang ala-1:45 ng hapon nang dumating si P-Noy sa detention facility.

Dalawang puting sasakyan ang pumasok sa loob kung saan lulan ang dating pangulo.

Ito rin naman ay kinumpirma ng Public Information Office ng PNP.

Hindi naman sinabi kung sino ang kasama ni Aquino sa pagbisita kay De Lima na dati niyang nagsilbing Justice secretary.

Bago ang pagbisita ng dating presidente, ilang lider na rin ng Liberal Party ang bumisita kay De Lima sa kanyang kulungan.