Itinalaga ng Malacañang si dating Philippine National Police Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. bilang bagong Special Adviser at Investigator ng Independent Commission for Infrastructure (ICI).
Si Azurin ang pumalit sa pwesto ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong.
Ayon sa Office of the President, sisimulan ni Azurin ang kanyang tungkulin matapos maisaayos ang personal at administrative arrangement.
Nagpasalamat naman ang Palasyo kay Magalong sa naging kontribusyon nito sa pagpapanatili ng integridad at kredibilidad ng ICI.
Kumpiyansa ang administrasyon na magagamit ni Azurin ang kanyang karanasan at pamumuno upang higit pang mapalakas ang mandato ng komisyon sa pagsusulong ng transparency at pananagutan sa paggamit ng pondo ng bayan.
kinumpirma ni Palace Press Officer Claire Castro na tinanggap na ng Pangulo ang resignation ni Magalong bilang ICI special adviser.