KORONADAL CITY – Labis na dismayado ang pamilya ni Kenneth Celera Duremdes matapos ang lumabas na report na pumanaw na ang dating PBA star.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay sa tinaguriang Captain Marbel, sinabi nitong malisyosong impormasyon ang gumawa ng nasabing report.

Maging ang pamilya nito ay labis na nagalit sa nasabing “fake news”.

Sa ngayon, wala pang alam si Duremdes sa kung sino ang nasa likod ng nasabing impormasyon.

Desidido naman siyang magsampa ng kaukulang kaso laban sa mga responsable sa pagpapakalat ng maling balita.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here