Reading Time: 1 minute

DAGUPAN CITY – Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) Pangasinan, na nakatanggap ng death threat si dating Pangasinan Rep. Amado Espino Jr., illang linggo bago ang pag-ambush sa kaniya sa lungsod ng San Carlos noong Setiembre 4.

Ayon kay PCol. Redrico Maranan, Provincial Director ng PNP Pangasinan, nakatanggap sila ng sulat mula kay Espino patungkol sa paghiling nito ng escort dahil sa natatanggap na banta sa buhay.

Aniya, agad naman itong nabigyan ng temporary security detail.

Nabatid na ilang linggo pa lamang na nakakasama ni Espino si Police Staff Sgt Richard Esguerra, na dead on the spot sa nangyaring ambush.

Samantala, sa ngayon ay wala pang maibigay na motibo sa krimen ang hanay ng PNP.

Paliwanag ni Maranan nasa proseso palamang sila ng pangangalap ng karagdagang impormasyon na maghahatid sa kanila sa isang malinaw na motibo.