-- Advertisements --
Tuluyang ng umatras sa pagtakbo bilang pangulo ng US si dating New Jersey Governor Chris Christie.
Sa kaniyang talumpati sinabi nito n hindi niya nakikita ang landas na makuha ang nominasyon.
Isinagawa nito ang anunsiyo sa naganap na town hall debate sa Windham, New Hampshire na natitirang 10 araw na bago ang first-in-the nation primary.
Itinuturing nito na ang nasabing desisyon ay sapat at tama lamang.
Dahil sa kaniyang pag-atras ay lumakas ang tsansa ni South Carolina Governor Nikki Haley na makuha ang nominasyon.
Base kasi sa survey ng New Hampshire University kung saan 65 percent kay Christie habang 12 percent kay Haley na siya ang itinuturing na second choice.