-- Advertisements --

Pumanaw sa loob ng kulungan ang dating NBA-All Star player na si Eddie Johnson sa edad 65.

Hinatulang kasi habambuhay si Johson noong 2006 dahil sa pang-aabuso sa isang 8-anyos na batang babae.

Hindi naman ibinunyag ng mga prison offiicials ang sanhi ng kamatayan nito.

May palayaw siya na “Fast Eddie” na naging manlalaro ng Atlanta Hawks mula 1977 hanggang 1986 at dalawang beses na naging bahagi ng NBA -All Star mula 1980-1981.

Naglaro din ito sa Cleveland Cavaliers at Seattle Supersonics.

Nasangkot sa pagnanakaw, cocaine possession at assault sa mga police officer si Johnson.

Dahil dito ay pinatawan siya ng NBA ng lifetime ban noong 1987 dahil sa paggamit ng cocaine.

Naaresto siya noong Agosto 2006 ng pasukin niya sa kuwarto ang biktimang 8-anyos na batang babae at doon ginahasa.