-- Advertisements --

Dumulog si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon sa Department of Justice at Bureau of Immigration (BI) upang humiling ng Immigration Look-out Bulletin Order (ILBO) laban sa mga indibidwal na iniimbestigahan kaugnay ng flood-control project anomalies.

Giit ng kalihim, mahalagang mabantayan ang biyahe ng mga indibidwal na natukoy habang nagpapatuloy ang imbestigasyon, upang masiguro na mananagot ang mga ito kung mapatunayang may sala.

Nasa 26 na indibidwal ang kabilang sa listahan, kabilang sina ARD Henry Alcantara, DE Brice Hernandez, ADE Jaypee Mendoza, mag-asawang Sarah at Curlee Discaya, Lawrence Lubiano, at iba pang opisyal at pribadong personalidad.

Dagdag ni Dizon, maaari pang madagdagan ang mga pangalan sa mga susunod na araw depende sa takbo ng imbestigasyon.