Dinala na sa isang ospital sa Metro Manila ang dating alkalde ng Pagbilao, Quezon na si Romeo Portes upang operahan, matapos maging biktima ng pamamaril, kahapon.
Base sa CCTV footage, sakay ang mga salarin ng motorsiklo.
Nakasuot ang gunman ng sombrero, dark na damit at puting utility short.
Nakalagay naman sa bag na nasa harapan ng lalaki ang baril, na binunot lamang nito, nang malapit na siya sa kinalalagyan ng dating opisyal.
Habang si Portes naman ay nakasuot ng blue t-shirt at puting short, habang nakaupo sa tabi ng isang establishimento.
Pagkaputok ng short firearm, bumagsak ang dating Pagbilao mayor.
Lumabas naman ang isang nakaputing babae at naka-green na lalaki mula sa establishimento, ngunit maging sila ay pinaputukan ng papatakas na salarin.
Si Portes ang ama ng kasalukuyang punong bayan ng Pagbilao na si Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic.