TACLOBAN CITY – Naghain ng guilty plea ang dating mayor ng Motiong, Samar para sa maanomalyang pagbili ng suplay at serbisyo ng municipal water system project noong 2018.

Dahil dito, may multang P1,000 ang ipinataw na parusa sa kanya ng Sandiganbayan Second Division.

Si dating Mayor Francisco Maceren Langi Sr. ay unang sinampahan ng kasong graft kaugnay ng irigularidad umano sa mga reimbursement nito sa gastos sa Agricultural Productivity Development Program na may kabuuang halagang P282,315.40.

Pumasok sa plea bargaining agreement si Langi at pumayag na maghain ng guilty plea sa kasong paglabag sa Government Auditing Code.