-- Advertisements --

Binawi na ng dating empleyado ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na si Jeff Tumbado ang kaniyang pahayag na talamak na kurapsyon sa loob ng ahensiya.

Sa notarized affidavit nito na kaya lamang nailabas niya ang nasabing pahayag ay dahil sa mahinang pagdesisyon.

Lahat aniya ng mga naipahayag niya noong Oktubre 9 ay hindi sinasadya at misguided.

Naniniwala pa rin ito na mayroong problema pa rin sa ahensiya pero kailangan lamang talaga ng agarang imbestigasyon ng mga otoridad.

Magugunitang nitong Lunes ay isinawalat ni Tumbado na tumatanggap ng P5 milyon ang suspendidong LTFRB Chairman Atty. Teofilo Guadiz para mapaburan ang ilang transport group.

Nadawit rin si Transportation Secretary Jaime Bautista sa nasabing kurapsyon subalit mariing pinabulaanan nito ang alegasyon.