Deavon George
Deavon George / IG post

Nakakuha ng blessing si Anthony Davis kay Devean George para magamit niya ang #3 Los Angeles Lakers Jersey nito.

Sinabi ni George na hindi man siya kasing galing ni Davis ay puwedeng-puwede niyang magamit ang numero nito.

Naniniwala rin ito na may malaking maitutulong si Davis sa Lakers star na si LeBron James.

Kasama si George sa tatlong NBA championships ng Lakers mula taong 1999 hanggang 2006.