TACLOBAN CITY – Pinuri ng dating Integrated Bar of the Philippines (IBP) Leyte Chapter President Atty. Leo Giron ang naging matapang na paghawak ni Judge Jocelyn Solis-Reyes sa kaso ng Maguindanao massacre sa likod ng pagiging maimpluwensiya at makapangyarihan ng mga pangunahing akusado sa krimen.

Ayon kay Atty. Giron, hindi maikakaila na pwedeng malagay sa alanganin ang buhay ni Judge Reyes pati na ang seguridad ng kanyang pamilya.

Mapapag-alaman nga marami na ring abugado ang nagpapalit-palit para hawakan ang kaso dahil sa takot subalit matapang ito na hinarap ng nasabing huwis.

Dagdag pa nito na maikokonsidera pa rin na naging mabilis ang proseso sa pagkamit ng hustisya ng mga biktima kahit umabot pa ito ng 10 taon.