-- Advertisements --

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si dating Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., bilang Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary ng Pilipinas sa United Kingdom of Great Britain and Northern Ireland.

Ito ang kinumpirma ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles.

Matatandaang si Locsin ay nagsilbing DFA secretary, Ambassador to Washington at Permanent Representative of the Philippines to the United Nations sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Samantala, pirmado ni Pangulong Marcos Jr., ang appointment papers ng ambassador noong August 30, 2022.

Kung maalala si Locsin ay naging speechwriter ni dating yumaong Pangulong Cory Aquino at naging masugid din na lumaban noon sa rehimeng Marcos.

Naging journalist din ito at publisher.