LAOAG CITY – Huli ang isang negosyante at ex-convict sa isinagawang anti-illegal drugs buy-bust operation ng PIU INPPO, RDEU-PRO1, PNP-Laoag City, PNP-Batac, PNP-Paoay at PDEA sa Brgy 8, Acosta sa lungsod ng Batac.

Nakilala ito na si Damacen Cunanan y Gabriel aka Ryan, 42-anyos, may asawa, negosyante na nainirahan sa Barangay Quiling Sur sa naturang lungsod.

Ayon kay Police Major Artemio Clemente, chief of police ng PNP-Batac, naisagawa ang transaksyon sa loob mismo ng party shop ni Cunanan kung saan nagbenta umano ito ng isang medium sized sachet na naglalaman umano ng shabu sa police poseur-buyer sa halagang dalwang libong piso.

Sinabi nito na matagal na nilang minamanmanan ang naturang suspek, at ang area of operation nito ay sa mga lungsod ng Laoag at Batac.

Inihayag nito na si Cunana ay isang ex-convict ng New Bilibid Prisons dahil sa paglabag sa RA 9165, repeat offender sa paglabag din ng RA 9165, long time listed drug personality ng INPPO at High Value Individual ng Reginal Watachlist na may coplan code name na Wendy’s.

Nakumpiska pa kay Cunana ang 14 na piraso ng small transparent heat-sealed plastic sachets na naglalaman din umano ng shabu, dalawang libong piso na nagamit sa transaksyon, isang improvised plastic shovel at mga personal na kagamitan nito.

Nabatid na ang droga ay may bigat na 4.21 grams at nagkakahalaga ng P42,100.