-- Advertisements --
Sanchez BuCor
Ex-Calauan Mayor Antonio Sanchez

Bantay sarado ngayon ng apat na guwardiya ng Bureau of Corrections (BuCor) si dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez dito sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) sa lungsod ng Maynila.

Ayon kay DoJ Usec. at Spokesman Markk Perete, inilipat si Sanchez noong Biyernes pa ng gabi dahil sa iniindang sakit kahit nag-negatibo na ito sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sinabi ni Perete, inilipat ang dating alkalde base na rin sa naging ulat ng BuCor dahil sa umano’y multiple electrolyte imbalance, Chronic Kidney Disease stage IV at pulmonary Tuberculosis-bilateral.

IMG 20190919 144553
DoJ usec. and Spokesman Markk Perete

Ito ay sa kabila nang naunang abiso ng BuCor at DoJ noong September 3 na bumubiti na ang kondisyon ni Sanchez at hindi na kinakailangang ilipat pa sa Philippine General Hospital (PGH).

Sa abiso ng Public Information Office ng BuCor, inilipat si Sanchez sa JRMMC para sa mai-refer sa nephrologist at kinakailangang isailali din sa sputum examination.

Ang sputum test ay isinasagawa para ma-detect at ma-identify ang bacteria o fungi na siyang dahilan ng infection sa lungs o sa breathing passages. 

Jose Reyes Memorial Medical Center

Ayon sa BuCor, nagkaroon naman ng koordinasyon sa One Hospital Command Center ng Department of Health (DoH) ang paglilipat kay Sanchez.

“On friday night, PDL Sanchez was transferred to GRMC for referral to nephrologist and sputum exam. The transfer was made through coordination done by One Hospital Command Center of the DOH. Patient PDL has multiple electrolyte imbalance, CKD stage IV, pulmonary Tuberculosis-bilateral, S/P CVA with no residuals. Patient is presently confined at the said hospital and NBP medical staff is in constant monitoring of his status,” ani Perete.