-- Advertisements --
Sinimulan na ng mga European Union (EU) country Members ang kanilang pagtuturok ng COVID-19 vaccine.
Sinabi ni European Commission President Ursula von der Leyen, naideliver na ng Pfizer-BioNTech ang mga bakuna nila sa 27 member states nila.
May ilang bansa na hindi agad nagsayang ng oras at sinimulan na ang pagpapabakuna.
Ang pagsisimula ng mass vaccination ay nagsimula sa kasagsagan ng pananalasa umano ng bagong uri ng coronavirus.
Ang nasabing hakbang ay sinimulang matapos na mabigyan ng otorisasyon ang European Medicines Agency (EMA) at European Commission ang German-US Pfizer-BioNTech vaccine.
Bumili kasi ang EU ng dalawang bilyong doses ng bakuna mula sa nasabing kumpanya.