ROXAS CITY – Arestado ang Grade 12 student sa drug buy bust operation ng mga pulis sa Barangay Salocon, Panit-an, Capiz.

Nakilala ang drug personality kay Siegfred Tomasa 19-anyos ng Barangay Adlawan, Roxas City.

Narekober kay Tomasa ang apat na sachets ng shabu, P500 na marked money, cellphone at motorsiklo na ginagamit sa kanyang transaksyon.

Itinuturing na street level target ang nasabing drug personality.