Kumbensido si National Security Adviser Hermogenes Esperon na “hangin” lang ang 2016 arbitral ruling na pumabor sa Pilipinas at nag-invalidate sa malawakang claims ng china sa South China Sea.
Sa isang panayam, sinabi ni Esperon na wala kasing nakasaad na enforcement mechanism sa Arbitral award na ito sa Pilipinas.
Tama aniya ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na “papel” lamang ang naturang ruling.
”Tama ang sinabi ng ating pangulo na papel nga ‘yon kasi yon ang pinirmahan na dokumento pero kasi itong award na ito… it did not rule on the sovereignty over the islands,” saad ni Esperon sa isang panayam.
Huwebes ng gabi, sa kanyang public address, sinabi ni Pangulong Duterte na ang 2016 ruling ng Hague-based tribunal ay papel lamang na maaring itapon sa basurahan.
Sinabi pa ng Pangulo na dapat maimbestigahan si dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario sa pagbawi sa mga tropa ng pamahalaan ng Pilipinas noong nagkaroon ng standoff sa Scarborough Shoal noong 2012.
Pero iginiit naman ni Del Rosario na “valid” at “binding” ang 2016 arbitral ruling at hindi basta papel na ibabasura lamang.