Screenshot 2019 12 08 21 55 19 83

Pinangunahan ng Fil-American na si Eric Cray ang panalo ng bansa sa 4X100 meter mixed relay sa South East Asian (SEA) Games.

Kasama ng 31-anyos na Olympian sa event ang kampeon na si Kristina Knott at sina Anfernee Lopena at Eloiza Luzon.

Nasungkit nila ang gold medal sa naitalang 41.67 seconds.

Naibulsa naman ng Thailand ang silver medal at nagtapos sa pamamagitan ng 41.99 at 42.20 finish naman para sa bansang Malaysia.

Kaninang umaga nang ma-disqualify si Cray dahil sa false start matapos unahan ng dalawang beses ang starters gun.