Mas lumawak pa ang epekto ng winter storm na nararanasan sa Texas.

Umaabot na kasi ang nasabing pag-ulan ng makapal na yelo hanggang sa southern New England, Virginia, southern Pennsylvania, North Carolina, Washington DC at Philadelphia.

Nasa limang araw ng walang suplay ng kuryente ang mga naninirahan sa Kentuck, Ohio, West Virginia, Illinois, Mississippi, Oregon, Louisiana, Virgina at North Carolina.

Umabot na rin sa 37 katao ang namatay.

Nakansela na rin sa nabanggit na lugar ang gagawin sanang malawakang pagtuturok ng COVID-19 vaccine dahil sa nasabing sama ng panahon.

-- Advertisement --