Posibleng sa susunod na linggo umano ilalabas ng Office of the President (OP) ang executive order na magtatakda ng maximum prices ng RT–PCR [reverse transcription polymerase chain reaction] o swab tests para sa COVID-19.
Sinabi ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, nakapagsumite na ang Department of Health (DOH) ng proposal para sa EO sa Office of the President na naglalaman ng suggested retail price (SRP) para sa mga nasabing COVID-19 diagnostic methods.
Ayon kay Usec. Vergeire, walang batas sa bansa para sa regulasyon ng COVID-19 diagnostic methods kaya hindi basta-basta makapagtakda ng price caps ang DOH.
Magugunitang hindi pare-pareho ang presyuhan o singil ng iba’t ibang laboratoryo para sa COVID-19 swab test.
“Itong EO po ay hinihintay natin, kasi wala po tayong batas na magsasabi na we can regulate, meron lang ho tayo sa gamot at wala tayong para diyan,” ani Usec. Vergeire.