-- Advertisements --

Napanatili ng tropical depression Dante ang taglay nitong lakas sa nakalipas na magdamag.

Ang sentro ng bagyo ay tinatayang nasa 880 km silangan ng Extreme Northern Luzon.

Kumikilos ito pa-hilagang kanluran sa bilis na 25 kilometro bawat oras.

May lakas itong 55 kilometro bawat oras at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 70 kilometro bawat oras.

Patuloy itong binabantayan ng mga otoridad para sa posibleng epekto sa panahon.

Inaasahang paiigtingin pa nito ang habagat dahil sa paghatak ng sirkulasyon.

Tinatayang uulanin pa rin ngayong araw ang malaking bahagi ng ating bansa.