-- Advertisements --

Pansamantalang nagsara ang ilang gasoline station sa ilang rehiyon sa Luzon sa gitna ng malawakang pagbaha.

Ayon kay Department of Energy (DOE) Asistant Secretary Mario Marasigan, kinailangang magsara ng mga ito dahil sa unti-unting pag-akyat ng tubig at nagbabantang aabutin na ang mga gasolinahan.

Ang mga ito ay mula sa National Capital Region, Cagayan Valley, Ilocos Region, Central Luzon, at Calabarzon.

Sa kabila nito ay nananatili aniyang sapat at matatag ang supply ng krudo atbpang petroleum products sa buong bansa, habang patuloy din ang operasyon ng malalaking gasoline station sa mga binahang lugar.

Bagaman nagka-problema sa ilang mga kalsada, tuloy-tuloy din ang maayos na pagdeliver o pagbiyahe sa mga petroleum products.

Sa mga Liquified Petroleum Gas (LPG), nananatili rin aniyang matatag ang supply habang binabantayan ng DOE ang presyuhan nito, lalo na sa mga lugar na nagdeklara ng state of calamity kung saan epektibo ang pagpapatupad ng prize freeze.

Sa mga naturang lugar, ipinagbabawal ang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo habang pinapayagan naman ang implementasyon ng rollback.