-- Advertisements --

Lalo pang lumakas at bumilis ang tropical depression Enteng, habang ito ay nananatili sa silangang bahagi ng Luzon.

Ayon sa Pagasa, huling namataan ang sentro ng sama ng panahon sa layong 420 km sa silangan hilagang silangan ng Casiguran, Aurora o 445 km sa silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 kph at may pagbugsong 70 kph.

Kumikilos ito nang pahilaga sa bilis na 25 kph.

Dahil sa paglakas ng bagyo, inaasahang lalakas din ang pag-iral ng habagat na magdadala ng ulan sa malaking bahagi ng ating bansa.