Nanawagan si Senator Erwin Tulfo sa kanyang mga kasamahan sa Senado na pabilisin ang pagrerepaso sa Oil Deregulation Law, kasunod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis dulot ng patuloy na digmaan sa Middle East.
Ayon kay Tulfo, dehado ang mga Pilipino sa umiiral na batas dahil limitado ang kapangyarihan ng pamahalaan sa pagkontrol ng presyo ng produktong petrolyo.
Dagdag pa niya, sa ilalim ng kasalukuyang sistema, maaari lamang umapela ng pamahalaan sa mga oil companies na huwag masyadong magtaas ng presyo kapag tumaas ang halaga ng langis sa pandaigdigang merkado.
Kaugnay nito, sinuportahan ni Tulfo ang inihain ng kapwa senador na si Senator Sherwin Gatchalian na Senate Bill No. 641 o ang institutionalizing Transparency in the Philippine Downstream Oil Industry upang repasuhin ang RA 8479.
Layunin ng panukala na makita ang “unbundled prices” o detalyadong presyo ng mga kumpanya ng langis upang maging malinaw sa publiko ang breakdown ng presyo.
Dahil ito sa umano’y overpricing ng mga produktong petrolyo na ibinebenta sa mga gasolinahan. Ayon kay Tulfo, panahon na para magkaroon ng batas na mag-uutos sa mga kumpanya ng langis na ipakita ang tunay na costing ng mga produktong langis na ibibenta sa publiko,
Sa huli, binigyang-diin ng Senador na matagal nang panawagan ng transport sector ang pagpapawalang-bisa o pagbabago sa naturang basa.
















