-- Advertisements --

Nagpaabot ng mensahe si dating PNP chief at kasalukuyang MMDA General Manager Nicolas Torre III kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna ng kaniyang kinakaharap na kasong crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC).

Ayon kay Torre, mamamayani ang hustisiya sa huli at sana’y palarin siya at nasa maayos na kalagayan.

“Justice will prevail in the end. I wish him luck, and I wish him well,” mensahe ni Torre.

Matatandaan, si Torre ang nanguna sa pag-aresto sa dating Pangulo noong siya pa ang hepe ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) noong Marso ng nakalipas na taon.

Nitong Miyerkules, pinagtibay ng ICC Appeals Chamber judges ang hurisdiksiyon nito sa crimes against humanity case laban kay dating pangulong Rodrigo Duterte.

Bunsod nito, itinuturing ng Appeals Chamber na “moot” o wala nang saysay ang hiling ng depensa para sa immediate at unconditional release ng dating pangulo.