-- Advertisements --

Panibagong low pressure area (LPA) ang binabantayan ngayon ng Pagasa, kasabay ng pag-iral ng tropical depression Enteng.

Ayon sa ulat ng Pagasa, kapwa nakakaapekto ang dalawang weather disturbance sa pag-iral ng hanging habagat na nagdadala ng ulan sa malaking parte ng ating bansa.

Huling namataan ang LPA sa layong 260 km sa kanluran ng Iba, Zambales.

Habang ang bagyong Enteng naman ay nasa layong 500 km sa silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.

May taglay itong lakas ng hangin na 55 kph at may pagbugsong 70 kph.

Kumikilos naman ang bagyo nang pahilaga hilagang silangan sa bilis na 15 kph.