-- Advertisements --

Naniniwala si Vice President Sara Duterte na ang inihaing reklamo laban sa kaniyang kapatid na si Davao City Representative Paolo “Pulong” Duterte ng physical injuries at grave threats ay bahagi ng Marcos administration na political attacks laban sa kanilang pamilya.

Inihayag ni VP Sara na target ng Marcos administration na sirain ang imahe ng kanilang mga kalaban at nais nilang “i-cover up” ang totoong isyu ng bansa.

Sa isang panayam sa Pangalawang Pangulo kaniyang sinabi na kapag nahaharap sa malaking isyu ang administrasyon may mga kabalbalan itong ginagawa at aatakihin ang kanilang kalaban sa pulitika.

Giit ni VP Sara hindi pa niya nakakausap ang kapatid hinggil sa nasabing isyu.

Sa ngayon hindi pa nagbibigay ng pahayag ang Palasyo ng Malakanyang kaugnay sa alegasyon ni VP Sara.

Kung maalala isang negosyante ang naghain ng reklamo ng physical injuries at grave threats laban kay Rep. Duterte sa Department of Justice.

Si Rep. Duterte ay nahaharap sa kasong paglabag sa Article 265 at Article 282 of the Revised Penal Code.

Sa ngayon tikom pa rin ang bibig ni Rep. Duterte kaugnay sa nasabing reklamo.