Nakahanay na ang ilang aktibidad ng Department of Labor and Employment-7 ngayong araw kasabay ng ika-123rd Labor Day celebration.
Sisimulan ang selebrasyon ng isang solidarity walk na magsisimula sa Plaza Independencia na susundan ng tripartite breakfast dialogue, blessing ng Kadiwa ng Pangulo, exhibits ng industrial tri-partite council, misa at commemorative program.
Sa eksklusibong panayam ng Star Fm Cebu kay Roberto Cabardo, Regional Labor Information Officer III ng DOLE-7, sinabi nitong aabot sa mahigit 5,000 trabaho ang nakahanda sa rehiyon para sa Labor Day job fair.
Ayon kay Cabardo, mula sa tatlong sites para sa local employment kabilang ang Bohol, Cebu at Dumaguete City, asahan ang 5,397 na lokal na bakanteng trabaho sa 70 kalahok na kumpanya.
Para naman sa overseas job fair kung na isasagawa sa Bohol at Dumaguete City, iaalok ng 10 participating employers ang 4,814 bakanteng trabaho.
Sinabi pa ni Cabardo na nangunguna sa in-demand na trabaho o hiring sector sa rehiyon ay ang BPO industry, service crew, ESL teachers at massage therapists.
Umaasa naman itong magkakaroon ng positive turnout ang job fair at mabawasan na rin ng unemployment rate ng rehiyon na nasa 2.8% na lamang noong Enero ngayong taon kumpara sa 4.8% noong nakaraang taon.
Payo naman nito sa lahat na lalahok sa job fair ihanda ang mga kinakailangang dokumento upang mabilis na ang proseso ng pag-aaply, ngunit kung kulang o wala pa naman ay mayroon din naman umanong one stop shop sa site.