-- Advertisements --

(Update) Umabot na ng hanggang 10 kilometro ang haba ng traffic sa southbound lane ng North Luzon Express Way (NLEX) dahil sa enhanced community quarantine na ipinapatupad ng pamahalaan.

Mula Bocaue hanggang Tabang sa Bulacan, bumper to bumper ang mahabang pila ng mga sasakyan.

Ito ay dahil may nakalatag kasi na checkpoint sa loob mismo ng NLEX bago sumapit sa Bocaue toll plaza.

Base sa advisory na inilabas ng pamunuan ng NLEX kaninang alas-9:00 ng umaga, sarado na ang ilang Toll Plazas at Interchange kabilang na ang: Balintawak Toll Plaza, Bocaue Toll Plaza, CDV (Philippine Arena) southbound entry, Marilao Southbound, Mindanao Toll Plaza at Smart Connect Interchange.

Kaugnay nito, umaapela nang pag-unawa ang pamunuan ng NLEX sa gitna nang nararanasang abala ng mga biyahero dahil pa rin sa public health emergency dulot ng COVID-19.

SLEX on qurantine

Samantala, idinadaan din ng South Luzon Express Way (SLEX) ang kanilang traffic update sa kanilang official Twitter account na @OfficialSLEX.

Naglabas din ito ng kanilang pananaw kaugnay sa community quarantine.

Sa kabilang dako, mananatili namang bukas ang Cavite Expressway (Cavitex) at Cavite-Laguna Expressway (Calax) sa gitna ng enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Ayon sa Metro Pacific Tollways, “We shall deploy a skeletal workforce to ensure safe passage. As part of our culture of safety, we have implemented a work-from-home arrangement for office-based personnel.”