rugby england

Nasilat ng England ang defending champion New Zealand, 19-7, para pumasok sa kauna-unahang pagkakataon sa final mula taong 2007.

Sumandal ang England sa matinding peformance sa simula pa lamang ng laro.

Sinasabing angat kaagd ang mga ito pagdating sa lakas, bilis upang pagurin ang All Blacks sa loob ng 80 minuto.

Ito rin ang unang pagkakataon na tinalo ng England ang isang New Zealand team sa World Cup match.

Dahil sa pangyayari tinuldukan ng English players ang record na 18-match winning streak ng New Zealand na mula pa noong 2011.

Samantala sa susunod na Sabado sa Japan pa rin ay kinakailangan muli ng England ang kahalintulad na diskarte upang idispatsa rin ang haharang sa kanilang daraanan para sa kampeonato na maaring kontra sa Wales o kaya laban sa South African team.